Kami, mga mamamayan ng mundo, ay nakikiusap na kilalanin ng World Health Organization (WHO) ang kapani-paniwalang katibayang makaagham na ang SARS-CoV-2 ay kumakalat sa pamamagitan ng hangin o aerosol ("airborne") at hinihimok namin ang WHO na agad na bumuo at magbigay ng malinaw na mga rekomendasyon na siyang mag-uudyok sa mga tao na protektahan ang kanilang sarili.
Sa mga unang yugto ng pandemya, iginiit ng WHO na ang COVID-19 ay hindi kumakalat sa pamamagitan ng hangin at tinawag itong "maling impormasyon" (Marso 28, "KATOTOHANAN: Ang COVID-19 ay HINDI nadadala ng hangin"). Ang mensaheng ito ay malinaw na naiparating sa buong mundo at natatak sa pang-unawa ng maraming tao ukol sa paraan ng pagkalat ng virus. Ito ay nananatiling malaking impluwensya sa mga pamamaraan na pumipigil sa pagkalat ng virus sa kabila ng pag-iba ng WHO ng kanilang posisyon, kung saan kinikilala na nila ang posibleng pagkalat ng SARS-CoV-2 sa pamamagitan ng hangin, datapwat hindi raw ito ang pangunahing pamamaraan ng pagkalat.
Ang WHO ay gumawa ng ilang pagbabago sa kanilang payak na gabay bunga ng kanilang limitadong pagkilala na ang virus ay kumakalat sa pamamagitan ng hangin. Gayunpaman, kahit ang limitadong pagbabago sa patnubay ng WHO ay hindi pa lubos na naiparating o naipaliwanag sa publiko. Ang kakulangan ng kalinawan at pagkamaagap ng WHO ukol sa pagkalat ng virus sa pamamagitan ng hangin ay humantong sa kakulangan ng karampatang pag-iingat ng mga mamamayan at mga taong gumagawa ng mga alituntunin. Alam nating ito’y mali. Alam nating hindi sapat ang paghuhugas ng kamay, pag distansya sa ibang tao, at pagsusuot ng mask.
Tungkulin ng WHO na iparating ang lahat ng makabuluhan at siyentipikong impormasyon sa buong mundo. Nararapat na gamitin ang impluwensya nito sa mga kawanihan ng pampublikong kalusugan upang ibaling sa patuturo kung paano maiiwasan ang peligro sa paglaganap ng SARS-CoV-2 dala ng hangin. Kailangang malinaw na maipaliwanag ng WHO kung bakit kailangan ang mga hakbang sa bentilasyon at baguhin ang mga patnubay nito sa pagrekomenda ng mga pantakip sa mukha kahit na meron pa ring pisikal na distansya sa loob ng bahay. Ang kalabuan ng WHO ay naghahasik ng pagkalito at nagdudulot ng malubhang pinsala bunga ng pagbagal ng pandaigdigang tugon sa COVID-19.
Ang paglaganap ng SARS-CoV-2 sa hangin ay napatunayan na bilang katotohanan. Dahil dito, may mga bansa na kinikilala na ito. Sa nakararaming bansa, ang mga taong may alam na nito ay gumagawa ng hakbang upang maprotektahan ang kanilang pamilya at mga mahal sa buhay. Pero hindi lahat ay pareho ang pinagmumulan ng impormasyon. Ang tanging paraan para maiparating sa mga mamamayan ang mga hakbang sa pag proteksyon ng kanilang mga buhay ay sa pamamagitan ng lokal na mga kawani na ang karamihan ay sumusunod sa mga rekomendasyon ng WHO. Dahil sa katotohanang ito, ang kawalan ng malinaw na gabay galing sa WHO ay nakadaragdag sa paglala ng hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan.
Kami, mga mamamayan ng mundo, ay nakikiusap sa WHO na:
Malinaw na kilalanin na ang SARS-CoV-2 ay kumakalat sa pamamagitan ng hangin, malapitan man o sa loob ng isang silid na iisang hangin ang umiikot. Ayon ito sa maraming katibayan galing sa pag aaral at alinsunod sa prinsipyo ng pag-iingat.
Agad na bumuo ng patnubay matapos na sumangguni sa mga dalubhasa ng iba’t ibang propesyon, para mabawasan ang pagkalat ng SARS-CoV-2 sa pamamagitan ng hangin. Ito ay dapat naglalaman kung anong mask ang dapat isuot at paano ito isuot ng maayos upang tamang matakpan ang paligid ng mukha; at dapat isuot ang mask sa loob ng mga silid dahil walang ligtas na distansya para dito; kung paano mapapabuti ang likas na hangin at aircon na bentilasyon, at paano linisin ang hangin; at ang paggamit ng CO2 meter upang malaman kung sapat at ligtas ang umiikot na hangin sa isang silid.
Agad na baguhin ang patnubay tungkol sa personal na kagamitang pang proteksyon ng mga high-risk na manggagawa, lalo na sa mga nangangalaga sa pangkalusugan at nursing home kung saan ang pagkalat ng SARS-COV-2 ay hindi lamang nakakaapekto sa mga manggagawa kung hindi pati na rin ang mga pasyente at mga matatanda o may mahinang kalusugan. Hindi dapat bababa sa isang certified N95/FFPS mask ang nararapat irekomenda. Ang kabiguang kilalanin ang pagkalat ng SARS-CoV-2 sa pamamagitan ng hangin ay humahantong sa pagkakaroon ng di sapat na proteksyon para sa mga mangagagawang nangangalaga ng kalusugan.
Gamitin ang WHO platform upang linawin at mabilis na maipaabot ang mga impormasyong ito sa mga mamamayan, sa mga gobyerno at sa mga pang-rehiyon na ahensya ng kalusugan upang agad na kumilos para mailigtas ang mga buhay ng mga tao. Simulan ang malawakang kampanya na maipamahagi ang impormasyong ito upang maiwasan ang paglaganap ng SARS-CoV-2 sa pamamagitan ng hangin at itaguyod na kung maaari ay gawin sa labas ng silid ang mga gawain. Walang alinlangan na itama ang mga naunang inilabas na pahayag. Buhay ang kapalit ng pa iba-ibang pahayag at ito’y nagpapahina sa mga hakbanging susugpo sa SARS-CoV-2.
Bilang pagtatapos, dapat bigyan ng WHO ng diplomatikong panggigiit ang mga gobyerno at pambansang awtoridad na hindi sumusunod sa mga inilalabas na alituntuning naaayon sa patnubay mula sa siyentipikong pagsusuri, sapagkat inilalagay nila sa peligro ang kalusugan at buhay ng mga mamamayan.
#COVIDisAirborne | covidisairborne.org | covidisairborne@gmail.com | @COVIDisAirborne
Jessica Bassett Allen US
(Spokesperson in English)Sergio Coscolín Spain
(Spokesperson in Spanish)Maarten De Cock Belgium
Lucia Lara Spain
Jonathan Mesiano Canada
Peter Metzinger Switzerland
Dana Parish US
Vittorio Durola Italy
Stephane Bilodeau Français
Lucía L & Sergio C Español
Christine Wichert Deutsch
S. Koloutsou-Vakakis Greek
秦野 礼 Japanese
Dr. Hongwan Li Chinese
李弘琬 繁軆字 · 简体字
Dr. Soyoung Kim Korean
김소영 한국어
D. Munkhjargal Mongolian
Д.Мөнхжаргал Монгол
Dr. Ian Mitchelle De Vera Filipino
Vu Ngoc Khanh Tiếng Việt
Dao Suwansang Janjaroen Тайська Thai
Motahar Hossain বাংলা Bengali
Volodymyr V. Tarabara український
Ukrainian
Ms. Madina Koshtayeva pусский Russian
қазақ Kazak
Dr. Nima Afshar-Mohajer Persian
فارسی نیما افشارمهاج
Theo Allen US
Vicente Baos Spain
Noor Bari Australia
Jose Manuel Bautista Spain
Robert Bean Canada
Keith Begg Ireland
Angelo Luigi Camillo Italy
Charlotta Cederblad Sweden
David Eldredge US
David Elfstrom Canada
David N. Fisman Canada
Malgorzata Gasperowicz Canada
Barry Hunt Canada
John Johnston Australia
Cristina Legarda Spain
Lazarus Long US
Dirk Monsieur Belgium
Geert Noels Belgium
Ali Nouri US
Ligia Alejandra Prieto Argentina
Katrin Rabiei Sweden
Lize Raes Belgium
Conor Ruzycki Canada
Jorge Sanchez Spain
Sara Segovia Spain
María Isabel Tapia Spain
Jennifer Tomaszewski Canada
Irene Tosetti Switzerland
Daniel Vak Contreras Chile
Benjamin Veness Australia
Daniel Wassmer Switzerland